Upang mas maibaba sa mga komunidad ang mga programa pangkalusugan ng lungsod, nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte sa mga officer ng Philippine Society of Oncologists (PSO).
Makikipagtulungan ang lokal na pamahalaan sa PSO sa pagpa-plano ng pagbubuo ng cancer navigators na mag-uudyok sa mga QCitizen na magpatingin sa mga doktor.
Kasama ni Mayor Joy sa pulong sina Assistant City Administrator for General Affairs Atty. Rene Grapilon, PSO president Dr. Edwin Tan, PSO Vice President Dr. Herdee Gloriane Luna, at PSO executive council member Dr. Maria Elena Basco-Tiamson.